I miss my loved ones in Pinas…
“Wala talagang papantay sa saya ng Pasko sa Pinas.”
Malamang sa hindi, lahat ng expats ganyan ang sinasabi tuwing December. Nung nasa Pinas pa ako, shempre hindi pa ako nakaka-relate pag naririnig ko ung mga ganitong statement. Naisip ko kasi dati, sure, masaya ang pasko sa Pinas pero bongga rin siguro magpasko sa ibang lugar, ung mas maganda; with the grand decorations, fireworks and all pati na rin snow.
May mga decorations at fireworks naman dito sa Dubai pero mas maganda pa rin pala ang mga parol at pailaw sa Pinas. At kahit magka-snow pa dito, I’m sure hindi pa rin makakapantay un sa Pasko ng Pilipinas kong mahal. Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto’t bulaklak. Pag-ibig ang sa kanyang palad, nag-alay ng gan.. (stop singing, brain)!!!
Anyway…
Un nga, sad lang. Nakakamiss talaga. Not only the Christmas in the Philippines; what I miss even more are my family and friends whom I usually celebrate the holidays with.
Numero uno kong namimiss ang mommy ko. Ang super bait, loving, caring, ever supportive mommy ko… I miss going home and seeing her there, talking with her. I miss scenarios like these:
Scenario 1
MI : Mommy, may sopas ba tayo?
MOM : Magluluto ako para meron na.
MI : Mommy, may kape ba tayo?
MOM : Eto, pinagtitimpla na kita.
Scenario 2
MOM : Neng, aalis ako, pupunta sa lamay sa patay.
MI : Sino naman namatay?
MOM : Si Bencio, namatay. Biglaan nga, inatake sa puso. Kawawa pamilya, may maliliit pa naman na anak un.
MI : Hindi ko kilala si Bencio.
MOM : Si Bencio, ung kapatid ng classmate ko na si Bert nung elementary na taga-Bagumbayan.
MI : Hindi ko kilala si Bert.
MOM : Hindi mo pa nakikita si Bert.
MI : Okay…

I also miss my daddy. Ang tatay kong half of the time ay no reaction at half of the time ay nagna-nag.
Miss ko na din ang 3 kong barakong kapatid…

Si Mikel na palaging masaya at aliw na aliw sa mga kasamahan nya sa trabaho. Nakakamiss marinig ang mga kwento nya tungkol kay Basilio na kamukha ni Diego ng Bubble Gang, kay Grant na may topak, Jon-jon na may sapi, mga bading na naka t-back sa Packing Section at si Rolly the kalbong supervisor na hinabol ng tubo ung 1 worker dahil akala sasaksakin sya…
Si Marc and Marlon…

Ang bruskong kambal na very friendly; super daming tropa at hataw sa basketball. I miss being their senorita ate:
LON : Te, dun ka nga muna umupo sa isang sofa, lilinisin ko lang yang jan.
MI : Timpla mo muna ko ng iced tea. Ung maraming yelo ha.
LON : Labo e. Naglilinis ako.
MI : E di wag.
LON : Wala na tayong yelo e. Pengeng dos, bibili muna ko.
MI : (^__^)
MI : Mac, hilutin mo nga likod ko…
MAC : Labo e. Aalis ako te.
MI : E di wag.
MAC : Asan nba ung lotion? sampung minuto lang kita hihilutin ha.
MI : (^__^)
Namimiss ko rin si Tito Benny, ang tito kong makulet. Pati na si cool auntie beng, auntie nene at gigie. Hinahanap-hanap ko ang lambing ng mga pamangkin ko sa pinsan, ang ingay at takbuhan nila sa bahay namin.

I want so see Alyssa a.k.a. Neneng again. She’s my sweet pamangkin na lagi na lang tinatanong kung nasan si Momon kapag hindi ko kasama umuwi ng bahay. Si Neneng na nakikinig pala sa mga usapan naming kahit na 3 years old pa lang sya. Naalala ko nung umuwi kami sa Pinas, one time nanonood sya ng TV tapos kami ni mommy, nagkkwentuhan. Tinanong ko si mommy kung bakit may poknat si neneng sa ulo. Hindi pa nakakasagot si mommy ay tumayo na sya sa upuan sabay takbo sa kwarto at balabag ng pinto. Wala pang 10 seconds ay narinig na naming ang : “WAAAAAHHHH!!!” nya. Hehehe… Bata pa lang, emotera na ang bagets na un!
Si Babu naman ang isa ko pang pamangkin na ubod din ng kulit at sobrang nakakatuwa na miss na miss ko na din. Actually, ang name nya ay John Carlo. I just call him Babu, short for Tamburuknoy na ewan ko ba kung san ko nakuha. One of my fondest memories of him goes like this:

MI : Babu, mahal mo ko?
BABU : Opo.
MIKEL : Ako babu, mahal mo?
BABU : Opo.
MAC : E ako, mahal mo?
BABU : Opo.
LON : E ako?
BENG : Babu, ako din ba mahal mo?
BABU : Kakasawa na!!!
Then there’s the Batang Looban. Ang mga childhood friends ko na lagi kong kainuman tuwing New Year’s Eve up to well, until it’s already 5AM of the New Year. I miss hosting the Batang Looban children’s party, the videoke galore and becoming wasted with the no longer bata na mga batang looban.

I miss Joycie and Nicky and Ate Love, Bossing Rangee, Ponkan, Nico, Gino, Iyah, Andrew, Royce, James,Jamie, Shyla atbpng kabilang sa tropang maligalig.

I especially miss the singhot buga queen a.k.a. conyo taratitat who used to make me drink more than too many by bringing out the senti in me during inuman by saying stuff like, “Don’t be sad mimhiemhie, kahit di ka love ni ngarag, nandito naman ako…” Tama bang sabihin ang ganun pag inuman?!? So I was like, “Alak pa!!!”

I also want to hang out so, so much with my best friend/stalking buddy / kikay girlfriend / confidante / conscience ala safe guard commercial na si Kit. The one who always shakes her head when finding out that I got myself wasted again on a New Year sabay sabi ng, “Diyatat ang iyong bahay alak ay gising na gising na naman! Tsk, tsk, tsk!”
I miss her and the rest of the pamosong Madamba’s Angels namely (arranged according to the seat plan of Mr./Doctor Theo Tisbe) : si binibining organized Madam Annvy, si Ailyn na mababa ang threshold sa pain, si mahiyaing Eca, the girl with a contagious laugh Yang, fashionista Karen, Jhen - my impromptu gala buddy and kakwentuhan till tumilaok ang manok friend, the dancing teletubby merged with kokey na takot sa clown na si Erin at si Aye – the group dancer with a killer smile.
And of course my Ate Maybs… My sister, not by blood, but in all other sense of the word (these

are her words and my heart says, amen to that, Te. I couldn’t have said it better). I miss her so much and I long to see her again and goof around together and discuss everything and anything. Si ate ung tao na kahit hindi kami nagsasalita, nagkakaintindihan kami. My soul friend ika nga. Yuletide season with ate Maybs means going to church for misa de gallo, walking from church to our house on a chilly December streets, walking her to Sta. Clara before the batang looban children’s party, her showing up to our place riding a bike and then me going with her to their house na naka-bike din. Sobrang dami naming masasayang moments, naiisip ko pa lang napapangiti na ako agad. One makulit moment namin goes like this:
MI : Te, ibili mo nga ko ng inidoro…
MAYBS : Sige, mamaya.
MI : Te, payag ka inidoro ka, payag ka inidoro ka?
MAYBS : Ayoko.
MI : Payag ka inidoro ka, payag ka, inidoro ka, payag ka, inidoro ka?
MAYBS : Ayoko… Mi, payag ka, tae ka?
MI : Hinde.
MAYBS : Payag ka, tae ka?
MI : Hinde nga.
MAYBS : Payag ka, tae ka?
MI : Ayaw.
MAYBS : Payag ka, tae ka?
MI : Hinde.
MAYBS : Dali na, pumayag ka na, tae ka...
MI : TE!!! AYOKO NGANG MAGING TAE!!!
Ang kaso mo, nasa bus nga pala kami… So ayun, lahat ng tao tinginan sa amin, ang dalawang babae na nag-uusap tungkol sa tae.

So un nga, sa hinaba-haba netong isinulat ko, what I just wanna say is that I miss my family and friends, hindi lang ung mga nabanggit dito kundi ung iba ko pa ding friends…
And I am grateful for all those amazing people in my life who always serve as a reminder that I have so much to be thankful to God.
I thank God for them and for all the years of happiness that He gave me. Here’s to 2010! I trust that it would be a great year for all of us.